Sabi ni ebot, wag daw ako magdecide kung emotional ako. Eh tuwing mga ganitong panahon, ang dami ko pa namang naiisip. Na hindi ko siguro maiisip ever kung nasa normal na katinuan ako. At baka hindi ko rin sya magawang gawin talaga, as in make the move, you know:P, if I'm guarded with my consciousness. Mas nagiging praning ako pag walang emotions. Hehe weird talaga.
Anyway, maybe there's just a barrage of emotions digging in due to several events coming in.. or going out. Hehe.
I'm sad because..
People just seem to leave like they aren't leaving anyone or anybody behind. Hehe. Bitter lang siguro ako kasi ako di pa nakakaalis. Haha. Crab:P Ang dami na nilang nang-iiwan. Grabe. Pati ang mga little angels namin iwanan na rin kami. Wuhuhuhu. Di nyo ba ako mamimiss???
I'm mad because..
May mga taong sadyang demanding. At mga maiinit ang ulo. Kala ko ako lang yun?!?! Haha joke. Pero nakaasar lang minsan. Kasi OA na. Hay. Yun lang naman. Di naman ako nagagalit masyado, masakit sa ulo:P
I'm sawi because..
Di ako maka-decide para sa sarili ko! Grr. Tanda ko na:( Pero parang bata pa din. I'm sawi kasi hindi ko ma-push sarili ko to go up. Go up to give up, sabi nga ng aking mabuting kaibigan/officemate na nilayasan na rin ako. Tsk. Hehehe. Sawi ako kasi parati nalang ako nag-hihintay. Kahit sang bagay. Dahil ba parati akong late, babawi sila sa ibang bagay sa buhay ko? Lugi!!! Tsaka I'm sawi kasi parating kulang sweldo ko.. Grr! Nagtatrabaho ako ha! Welga na 'to!
I'm happy because..
Though iniwan nila ako, eh I know masaya sila ngayon:) Kaya mas happy ako kaysa sad. Hehehe. Libre nyo nalang ako kasi yaman na kayo. Haha joke. Hehehe. Basta enjoy your new found journey. Wag nyo ko kakalimutan:P Yung isa, big time sa lugar na nde ko alam kung san. Hehe ok yan kasi para sa future at sa growth (kahit na hanggang 20yrs lang yung growth years:P joke) Yung isa, gusto nya talaga yun at dream nya yon, kaya alam ko kahit bigatin yan yakang-yaka pa din! Yung isa naman, hehe, alam ko mahirap pero ok yan. At least lahat ng napag-aralan mo eh ma-apply mo. Hehe. Astig yan, bilib ako sayo:) Idol na rin kita:P
I'm also happy because the people around me are happy as well. Yung isa, masaya kahit nde official ang kanilang relationship. Hehe, go go go! Enjoy ka lang. Kaso be on guard lang. Alam mo na.. Hehehe. Yung isa, masaya kasi official NA! Congrats!! Stay happy and cheers to more years of togetherness sa inyo!:) Pray kayo parati para sa matagal na pagsasama. Yiiheee! Pasalamat ka samin:P wahehe joke! Yung isa naman, dumating yung official nya, kaya masaya sya. Hehe. Yung isa, masaya kasi nag-level up na sya. Woothoo!! Libre mo naman kami! Hahaha. Daming trabaho, pero ok lang yan. At least level up! Hahaha. Para ka nang gasolina, tumataas ang presyo:P Yung isa, masaya din kasi feeling nya na-meet na nya ang kanyang The One. Nice naman. Kahit may problema, hehe, malay mo diba? Malay mo sya na talaga. hehe. Chill ka lang;) Yung isa naman, masaya kasi masaya sya sa bago nyang relasyon. Ayiiiiihiiii. Hehehe. I'm happy for you:) Na-feel ko naman na ok sya at ok kayo kaya ok na rin sakin. Hehehe. Gimik ulit tayo ha, yung libre mo ulit:D Bagong work din eh, kaya ok! Wooohooo!
I'm happy kasi nag-improve na ako. Hindi na ako impulsive buyer. Nakakaipon na ako ng totoo:p At! Maaga na ako pumapasok. Haha, what an achievement.
Above all, I'm happy kasi I'm going places now:) I'm still praying for my ultimate goal to come true:) Sana talaga. Hehehe. Sana rin makahanap na ako ng The One sa career.. at sana ma-meet ko si The ONE soon. Hehe. Wag muna ngayon. Travelling kid pa ako:P
Wag nyo ko masyadong pansinin. The time of the month is just around the corner, which explains spurts or bursts of emotions. Hehe. Anyway, there's just too many reasons to be happy, so why not be just that.. or even more than that?:P
[get this widget]
Emotional Ako Ngayon
Wednesday, March 14, 2007
Posted by kaypers at 11:46 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment