Habang nag-aantay ako na tumira yung kalaban ko sa YG (:P), naisip ko yung mga "say" sakin ng mga tao sa akin lately. Medyo weird, na nakakainis, na nakakatawa, na ewan. Hehehe. Una, first impression daw sakin "mataray". Nge. Totoo ba yan? Hindi ko alam kung naiinis ako kasi hindi naman totoo, o dahil ayaw ko lang tanggapin? Kahit si ***, akalain mong sinabi sakin na 'actually, yan talaga ang first impression ko sayo.' At sinabi din ni **** na, 'mataray ka naman talaga e'. At pinaka nakakaasar na sinabi ni ***** na 'oo, nakakainis yung pagkamataray na gusto kitang ...'. Wag ko na ituloy baka sya ang ma.... ko. Ah ewan. Pero good thing pa rin ba na sabihin na kahit ganon na ang first impression, di naman daw nag-last? And hindi talaga totoo? Ewan. The fact kasi na may ganong impression, negative that is, syempre hindi masaya diba? Who would take a negative comment with a smile diba? At mag-thank you pa ako dahil ganon impression nila? Oh well. Sige pasalamat na lang ako (o sila?) na hindi talaga ako ganon:P
This week or this month lang ata, dami nagsabi na maganda daw feet ko. Wahaha. Ano yan parang manok? Kelangan kilatisin ang paa? Adidas? Hahaha. Pero in fairness, sabi ng boss ko (hehe mega boss to! wooohooo!) maganda daw sya, at marami daw guys ang may mga fetish dito (haha, totoo at may kilala ako:p). Hay. Parang ano ba yan, hello, I have nice feet. Can we be friends? Yuck ano ba yan. Hehehe. So dapat pala pag nag-date ako dapat naka-sandals. Wekhekhek. Pero in fairness, kahit na madami nakapansin, nahiya naman ako bigla. Tinatago ko tuloy yung paa ko pag napapansin. Hehe. (pero nag-yapak ako kahapon nung nag-10-20 kami. Hahahaha!)
Last but not the least comment, eh TUMABA DAW AKO!! Wahaha! Applause, applause! Hehe, congrats. Pero, sa sinabi nya sakin, parang natakot tuloy ako. Inasar kasi ako na "taba", feeling ko tuloy OA na. Waaaah. Tinanong ko pa sya kung good o bad. Sabi nya nde naman daw masyadong panget. Man, the operative word.. 'masyadong'.. ibig sabihin medyo lang. Oh no! Natakot naman ako bigla. Ayoko naman maging lumba-lumba. Gusto ko lang magkalaman. Hehe.
Yun lang. Tapos ko na to, di pa rin sya nakakatira. Hay ang tagal mo!:P
[get this widget]
Pampalipas oras
Saturday, August 27, 2005
Posted by kaypers at 1:03 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment