Kalokohan lang naman

Thursday, October 28, 2004

sabi ko mo nung una, ngayon may trabaho ka na, magpakasasa ka sa luho mo.

hay kaye. sa hirap ng buhay ngayon, mag-ayos-ayos ka na. ngayon alam mo na ang hirap kumita ng pera. hindi ka na yata magkakapamilya.. hehe. wag naman sana. o basta ayusin mo na.. ayusin mo na yung mga bibilhin mo! hehehe.

WISH LIST.
1.book - hehe syempre kahit na walang oras, kelangang magbasa. para di mabobo sa pc.. hehe!
2.CD - Side A anthology. tsaka si Kitchie Nadal. pati ang MYMP. tama yan, OPM para mura. hehe!
3.jacket - syempre sa lamig ng opis eh kelangan ng jacket. yung pwede mo namang iwanan. pano mga gamit mo sa kapatid mo lahat eh. hehe.
4.frame - i-display mo naman ang class picture natin. wipeee. blanko pa rin ang table moo.:( sana may magregalo sayo ng pang-populate at pangkalat sa cubicle mo.. kawawa ka naman.
5.shoes - wala ka na ngang mapaglagyan eh bibili ka pa!

RESOLUTIONS
1.tuwing friday ka lang pwede kumain sa labas. hehe. mag-ipon para may pambili at panlibre. wenkwenkwenk. di totoo yun... hehe!
2.magpakasaya sa trabaho para matuwa ang buhay mo at magtagal ka ng 2 taon.
3.wag ka nang maghanap ng mga bagay na hindi kayang hanapin. MAG-ANTAY LANG, pwede?
4.maging seryoso sa buhay. hehe. tama yan, di ka ang kaye sa office. nagpapanggap ka lang. hehehe. saka ka na maglabas ng tunay na kulay. magkunwari ka muna. mga next week pwede na. hehe.
5.wag mainggit sa mga ibang tao. walang patutunguhan.
6.matulog at gumising ng maaga. wag nang magpa-late. magbagong buhay ka na!
7.tigilan ang mga extra-curricular activities. hehe.
8.gumimik ka naman kahit paminsan. isama mo sa budget yan.
9.ayusin mo ang mga gagawin mo sa pang-araw-araw para marami kang magawa. malapit ka nangmagsakripisyo ng buhay mo (i.e. sabado at linggo)
10.tumaas na ang pamasahe. wala ka nang matititipid. sulitin mo nalang. humanap ka nang may TV para makanood ka ng balita sa umaga at sa gabi. makakatulong sa iyong paglaki.

parang horoscope ng libre ang dating. hay. umayos ka nga. matanda ka na, paalala ko lang sa'yo.


[get this widget]