Relasyon

Wednesday, May 25, 2005

Iniisip ko na kung anong iniisip nya.
Natatakot ako pag may nasabi akong iba.
Natutuwa ako pag napapangiti ko sya.
Pakiramdam ko, ang galing ko talaga.
Kelangan kong gawin mga sinasabi nya.
Pag hindi, eto ko namomroblema.
Lahat ng ginagawa ko, dapat pabor sa kanya.
Kung hindi, eto ko sisihin ko sarili ko na mali na naman ako.
Perfectionist daw ako, pero sa tingin ko may kulang lang talaga.
Naiinis ako pag hindi ko nabibigay ng tama.
Ako na naman mali.
Hindi ko lang talaga siguro kaya.
Bibigay na ako.
Ayoko na.
Aalis na ako!
Wag, nasa isang relasyon ka.
Wag mong takasan. Tapusin mo.
Gawin mo ang dapat.
Hindi lahat ng gusto mo tama.
Pero di lang din naman ng kala mo tama, makakabuti.
Hay nako ang gulo talaga ng mundo.
Pero kelangang magsaya.
Pwede naman, diba?

Sabi nga nila, mahalin mo trabaho mo. Wag ang kumpanya. Hahaha. :P

[get this widget]